‘Nung bata pa ko mga 5-6 years old pa ata ako noon, isinama kami ng nanay namin sa children’s party ng anak ng ka-opisina nya. Malamang, hindi mawawalan ng kainan, kwentuhan at higit sa lahata, ang “pa-games” o palaro ng mga hosts, na kapag hindi malaki ang budget ng magulang, nauuwi sa piptsuging clowns ang hosts ng birthday party. O, ito na. Nagkaroon ng game tungkol sa mga corny questions, katulad ng Q: “Ano ang pinakamatandang isda sa buong mundo?” A:”tuna (kasi daw, may CENTURY TUNA)” okay, joke kung joke at ako, dahil sa kaweirduhan ko, hindi ko pa nagegets na yun pala ang takbo ng game. At dun ngsimula ang kaweirduhan ko, ‘nung nagtanong na naman si kuya clown, Q: “anu ang pinakamaliit na isda?” Syempre, ang expected answer ay DILIS. Pero dahil WEIRD ako at BIBO KID ako ‘nun, bigla akong tumakbo sa harapan at sumagot ng “PANDACA PYGMEA!” Oh yes!!! Fail talaga at umiral ang kaabnormalan ko. At dun na nagsimulang ma-poker face si kuya clown at nasabaw ang mukha niya for a split-second. PAHIYA si KUYA, TUMAWA si mama. Ahahaha. O ganyan din ba kayo kaweird? Kasi kung ganyan? CLOSE NATAYO
Noong bata ka din ba,
Iniiwasan mo b’ang tumapak sa mga linya ng tiles dahil FEELING mo mamamatay ka?
Masyado ka bang OC kapag kumakain at nandidiri ka kapag may dalawang ulam sa plato mo dahil FEELING mo, magiging kadiri ang lasa nila pag nagdikit sila?
Natamisan ka na ba sa lasa ng BLUE ink ng ballpen pero nung tinry mong sipsipin lahat dun sa tube, bigla kang napaitan?
Nagsasawsaw ka ba ng longganisa sa mayonnaise dahil FEELING mo, maglalasang cheap ang longganisa pag sinawsaw mo sa TOYO at MAYONNAISE lang ang tanggap mong sawsawan at ayaw mo ng iba??
Nakalunok ka na ban g bala ng STAPLER at binabangungot ka for three years na magigigng kalawang ang tiyan mo
Mahilig ka din bang mag-FEELING?
Kung ganun, WEIRD ka TALAGANG TUNAY!!

0 comments:
Post a Comment