Saturday, June 12, 2010

PILA nang PILA, PILA nang PILA!!

Saturday, June 12, 2010



Lately, I've been using Filipino as my medium of expression here in this blog but don't worry. I think this post would be one of my last posts written in Filipino. So until then, give time to translate this. I know it would be superbly fun and interesting. As for now, here is my post and by the way, have fun!!


Ako po ay isang huwarang mag-aaral ng Unibersidad ng PILApinas sa Diliman. Enrollment pa lang, namamatay na kami – well, yan ang akala ko. Ayon sa konsepto ng ebolusyon, nagkakaroon ng survival of the fittest, at dahil isa akong PiJejemon (choinks :D) nagevolve ako at nag-adapt ako sa environment na kinabibilangan ko. Mas tumibay ang resistensya ko sa mga masasamang dulot ng PAGPILA. Dati, halos maluha-luha ako nung pipila lang ako ng isang oras. ‘Di ko talaga kaya iyon dati. Ngayon., kahit papilahin mo 'ko ng apat na oras, keribels lang (SWARDSPEAK ALERT!! hahaha). Nang dahil dyan.. pwede mo na kong confer-an ng minor sa pagpila, BS Civil Engineering major in Strtuctural and Construction Engineering minor in Falling in Line. O diba? San ka pa?? ganyan daw talaga dito, gagawan ng paraan ng mga taga-ADMIN ang lahat para lang humirap ang buhay naming sa mundo, ultimo pagpila, pinapatos nila. Kaya ito lang ang maipapayo ko:

Magdala ng tubig o kahit anung inuming magpapapawi ng kauhawan

Magdala rin ng extra na tisyert (t-shirt :D) dahil mandidiri ka 'pag napawisan ka, o nadikitan ka ng katabi mong pawis na pawis, eeww

Magdala ng payong, preferably FIBRELLA (advertisement!! O libreng FIBRELLA naman dyan o?). Dahil sa sobrang epal ng UP, kahit sa tirik na tirk na arawan, papapilahin ka nila, with evil grins plastered on their oleaginous faces. Ganyan sila ka-evil, ultimo pagrereklamo mo, natutuwa sila. They do consider it as an incentive if ever walang mamatay sa heatstroke na fellow ka-pilahan mo.

Siguraduhing naka comfortable wear ka dahil kung nakadress ka, magmumukha ka lang namalengke pagkatapos mong mag-enroll, diba? Kaysa naman samin, effortless manamit so kahit nagmukha kang namalengke, okay lang, kasi bago ka pumila, mukha ka naman talagang namalengke. Less hassle

Magdala ng kaibigan, lagi silang ikadena sa braso mo dahil sila ang kaagapay mo sa ka-boringang madarama mo 'pag simula na ng pilahan. At isa pa, mahirap magmukhang others sa queue. Nakakahiyang nakapanlumo

And last but not the least, SIGURADUHING TAMA ANG PILANG PINIPILAHAN mo dahil isa kang malaking CHORVS kapag pumila ka sa pilahan ng pagpapapicture ng ID kung ang sadya mo naman talaga ay magbayad lang ng tuition :D. Magdududa ako na taga-UP ka dahil pila lang, mali ka na :D (egocentric mode ;p)

Here goes my post, sana maraming nakarelate :D



0 comments:

Post a Comment